Early Voting Bill lumusot sa Kamara, Senior Citizen partylist solon nalugod

By Jan Escosio August 25, 2021 - 07:40 AM

Ikinatuwa ni Senior Citizens Partylist Representative Rodolfo ‘Ompong’ Ordanes ang pagkakapasa ng panukala para maagang makaboto ang mga nakakatandang botante, gayundin ang mga may kapansanan.

“Sa ngalan ng milyong-milyong senior citizens, maging ng mga milyong-milyong PWDs, pinasasalamatan ko ang mga kasamahan ko sa Kamara sa pag-apruba sa House Bill 9562,” ani Ordanes.

Aniya ang HB 9562 ay ang An Act Providing for Early Voting By Qualified Senior Citizens and Persons with Disabilities in National and Local Elections.

Sinabi pa ni Ordanes na napakalaking bagay kung ganap itong magiging batas dahil mababawasan na ang mga hirap na dinaranas ng mga senior at PWDs sa tuwing may halalan sa bansa, lalo na ngayon may kinahaharap pang pandemya ang bansa.

Nangako ito na idudulog niya sa Senado ang pagsuporta sa panukala.

“Alam ko maigsi na lang ang panahon, sa Senado at sa Comelec, pero gagawin ko ang lahat para ganap itong maging batas at maipatupad na sa papalapit na halalan,” diin pa ng mambabatas.

Umaasa naman siya na masesertipikahan ng Malakanyang na ‘urgent’ ang panukalang-batas na sinuportahan ng 196 miyembro ng Mababang Kapulungan.

TAGS:

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.