Nagkaisa ang tinaguriang “Big 5 transport groups” na suportahan ang kandidatura ni dating MMDA Chairman FrancisTolentino sa pagka-senador.
Kabilang dito ang mga grupong ACTO, FEJODAP, Pasang-Masda, LTOP at 1-Utak.
Ayon sa limang grupo, subok na nila ang kakayahan ni Tolentino sa pagsusulong sa interes sa sektor ng transportasyon.
Patunay anila dito ang kawalan ng malawakang transport strike sa panahon ng mahigit 5-taon ni Tolentino bilang Chairman ng Metro Manila Development Authority (MMDA).
Maging ang NACTODAP partylist na grupo ng mga tricycle drivers at operators ay suportado din si Tolentino.
Ayon naman kay Tolentino, makakaasa ang transport groups sa patuloy niyang pagsuportra at pagprotekta sa interes ng mga nasa sektor ng transportasyon.
Isa sa mga isusulong ni Tolentino ang pagbaba sa 10% mula 12% ng VAT para sa mga driver, operator at iba pang kabilang sa sektor ng transportasyon.