Isa pang Filipino, nakaalis sa Afghanistan; Ilang na-evacuate, darating sa Pilipinas

Kinumpirma ng Department of Foreign Affairs (DFA) na isa pang Filipino ang nakaalis sa Kabul, Afghanistan.

Sinabi ng kagawaran na nakaalis ang Filipino patungo sa United Kingdom.

Ayon pa sa DFA, ilang Filipinong na-evacuate naman ang darating sa Pilipinas sa araw ng Martes, August 24, o sa Miyerkules, August 25.

Sa nasabing bilang, 22 ay mula sa United Kingdom, siyam sa Singapore at lima naman sa Doha.

Patuloy namang nakikipag-ugnayan ang DFA sa iba’t ibang gobyerno upang makahanap ng flight para sa repatriates para matiyak na makakauwi ang mga Filipino sa lalong madaling panahon.

Sakaling magkaroon ng emergency, maaring makipag-ugnayan sa Philippine Embassy sa Islamad sa Pakistan sa pamamagitan ng mga sumusunod:
Whatsapp/Viber: +923335244762
Messenger/Facebook: facebook.com/atnofficers.islamadadpe o facebook.com/OFWHelpPH
Email: isbpeatn@gmail.com

Read more...