Occidental Mindoro, nakapagtala ng unang kaso ng Delta variant

By Angellic Jordan August 24, 2021 - 04:32 PM

Photo credit: Governor ED Gadiano Occidental Mindoro/Facebook

Nakapagtala ng unang kaso ng Delta variant ng COVID-19 sa Occidental Mindoro.

Sa inilabas na pahayag ni Governor Eduardo Gadiano, base ito sa impormasyon mula sa Provincial Health Office at Department of Health (DOH) sa araw ng Martes, August 24.

Nakatira aniya ang 27-anyos na babaeng pasyente sa bayan ng Sablayan.

Sa ngayon, asymptomatic ang pasyente at nakasailalim na sa quarantine para sa monitoring ng kaniyang kalagayan.

Sinabi ni Gadiano na inatasan niya ang Provincial Health Office na makipag-ugnayan sa MHO Sablayan para maisagawa ang malawakang contact tracing sa lahat ng primary at secondary contacts ng pasyente.

Tiniyak nito na patuloy ang pagpapaigting ng Executive Order 7-D, Series of 2021 ng Pamahalaang Panlalawigan at IATF sa probinsya sa tulong ng iba’t ibang ahensya ng gobyerno.

“Hindi po kami magsasawa sa ating panawagan na sumunod sa lahat ng health protocols gawa ng pagsuot ng face mask at social distancing upang mapigilan natin ang pagkalat ng COVID-19,” saad pa ng gobernador.

TAGS: BreakingNews, DeltaCOVID, DeltaPH, DeltaVariant, InquirerNews, RadyoInquirerNews, TagalogBreakingNews, BreakingNews, DeltaCOVID, DeltaPH, DeltaVariant, InquirerNews, RadyoInquirerNews, TagalogBreakingNews

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.