Sa huling datos ng Department of Health (DOH) bandang araw ng Martes (August 24), pumalo na sa 1,869,691 ang confirmed cases ng nakakahawang sakit sa bansa.
Sa nasabi kasing bilang, 127,703 o 6.8 porsyento ang aktibong kaso.
Sinabi ng kagawaran na 12,067 ang bagong napaulat na kaso ng COVID-19 sa bansa.
95.5 porsyento sa active COVID-19 cases ang mild; 1.7 porsyento ang asymptomatic; 0.93 porsyento ang moderate; 1.2 porsyento ang severe habang 0.6 porsyento ang nasa kritikal na kondisyon.
Nasa 303 naman ang napaulat na nasawi.
Dahil dito, umakyat na sa 32,264 o 1.73 porsyento ang COVID-19 related deaths sa bansa.
Ayon pa sa DOH, 14,565 naman ang gumaling pa sa COVID-19.
Dahil dito, umakyat na sa 1,709,724 o 91.4 porsyento ang total recoveries ng COVID-19 sa Pilipinas.