ER ng PGH, hindi muna tatanggap ng pasyente

Pansamantalang hindi tatanggap ng pasyente sa Emergency Room ng Philippine General Hospital (PGH) sa Maynila.

Paliwanag nito, higit 100 na sa unang itinakdang 230 na bilang ng COVID-19 patients ang naka-admit sa naturang ospital.

Karamihan anila sa mga pasyente ay nangangailangan ng intensive care, high-flow oxygen at ventilators.

Malalagay anila sa peligro ang kapakanan ng mga pasyente at mga kawani kung hahayaan pa itong madagdagan.

Humingi naman ng paumanhin at pang-unawa ang pamunuan ng ospital sa publiko.

Maari namang makipag-ugnayan sa PGH Transfer Command Center.

Read more...