Pangulong Duterte, tinanggap na ang nominasyon ng PDP-Laban na tumakbo sa pagka-bise presidente sa 2022 polls
Tinanggap na ni Pangulong Rodrigo Duterte ang nominasyon ng Partido Demokratiko Pilipino-Lakas ng Bayan na maging kandidato sa pagka-bise presidente sa 2022 national elections.
Ayon sa pahayag ng PDP-Laban, pumayag ang Pangulo na tanggapin ang nominasyon base na rin sa popular calls ng council para masiguro na magkakaroon ng transition of government at maipagpatuloy ang mga programa.
Sinabi pa ng PDP-Laban na pumayag ang Pangulo na magsakripisyo at tanggapin ang panawagan ng taong bayan.
Samantala, hindi naman makumpirma ng Palasyo kung totoong tinanggap na ng Pangulo ang nominasyon ng kanyang partido na tumakbing bise presidente.
Ayon kay Presidential spokesperson Harry Roque, ang kanyang pagkakaalaman ay nagkaroon lamang ng pagpupulong ang Pangulo kina PDP-Laban president at Energy Secretary Alfonso Cusi at Presidential Assistant for the Visayas Michael Diño noong Lunes.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.