2 ahensiya, ‘parking lot’ sa ‘pasa-buy scheme’ ng gobyerno – Sen. Recto
Nakasanayan na, sabi ni Senate President Pro Tempore Ralph Recto, na gawing paradahan ng mga ahensiya ng gobyerno ng kanilang pondo ang Procurement Service ng Department of Budget and Management at Philippine International Trading Corp (PITC) ng Department of Trade and Industry (DTI).
Dagdag pa ni Recto, sa kabila nang matagal na pagkakaantala sa pagbili ng mga kinakailangang gamit o pagtatatapos ng proyekto, daan-daang milyong piso ang nagiging ‘commission’ ng dalawang ahensiya.
Aniya, aabot sa P63.1 bilyon ang hawak ng PS-DBM at PITC na pondo ng iba’t ibang ahensiya.
Paliwanag ni Recto, inililipat ng mga ahensiya sa PS-DBM at PITC ang kanilang pondo para palabasin na ito ay may mga napaglaananan na at hindi na maaring isoli sa Bureau of Treasury.
“Hindi naman procurement expertise ang dahilan kung bakit sila napapasahan ng pondo. Ang totoong dahilan ay upang huwag abutan ng deadline at mapaso ang mga pondo ng mga ahenysa. Once an agency transfers the funds for a particular project to PITC or PS-DBM, the funds are deemed obligated. Parang committed na. And this prevents the funds from being returned to the Treasury,” paliwanag pa ng senador.
Kayat aniya, nakakapagtaka na sa kabila ng record ng PS-DBM sa delay sa mga pagbili ng mga kinakailangan ng gobyerno, inilipat pa sa kanila ng DOH ang malaking pondo na ipambibili ng mask at face shield na kailangang kailangan na.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.