Dating commandant ng Phillippine Marine, nagpiyansa sa Sandiganbayan matapos magtago ng 3 buwan

Getty Images
Getty Images

Matapos ang tatlong taon na pagtatago, nagtungo sa Sandiganbayan ngayong araw ang dating commandant ng Philippine Marine na si Major General Renato Miranda.

Sumuko si Miranda sa anti-graft court at naghain ng piyansa kinakaharap na kasong graft at malversation na may kaugnayan sa pagbulsa umano ng opisyal sa P36 milyon na clothing allowance para sana sa mga sundalo.

Kasama ang kaniyang abugado, nagtungo si Miranda sa Sandiganbayan 3rd division at sumailalim sa booking procedure.

Batay sa record ng cashier office ng Sandiganbayan, nasa P230,000 ang cash bond na inilagak ni Miranda para sa kaniyang pansamantalang paglaya habang nililitis sa mga kasong kinakaharap.

Ang kaso laban kay Miranda at apat na iba pang dating opisyal ng Marine ay nag-ugat matapos na mawala ang Combat, Clothing Allowance and Individual Equipment Allowance (CCIE) ng Philippine Marines noong taong 1999 na aabot sa P36.768 million.

Sa inihaing impormasyon ng Office of the Ombudsman noong March 10, 2015, pineke ni Miranda at iba pang opisyal mga dokumentp gaya ng liquidation payrolls para palabasin na natanggap ng mga sundalo ang kanilang CCIE kahit hindi naman.

Noong January 22, 2016 nang maglabas ng arrest warrant ang anti-graft court laban kay Miranda.

 

Read more...