Manila Mayor Isko Moreno stable na ang lagay

By Chona Yu August 24, 2021 - 01:10 PM

Stable na ang lagay ng kalusugan ni Manila Mayor Isko Moreno.

Ito ay matapos mag-positibo sa COVID-19 ang alkalde.

Ayon Doctor Grace Padilla, ang hospital director ng Sta. Ana Hospital, patuloy na nagpapagaling sa pagamutan si Mayor Isko.

Ito na ang ika-siyam na araw na nakaratay sa Sta. Ana Hospital ang alkalde.

Ayon kay Padilla, maayos na ang lagay ng alkalde at wala ng karamdaman.

Matatandaang nawalan ng pang-amoy at panlasa si Mayor Isko.

Nakaranas din ng lagnat, ubo at pananakit ng katawan ang alkalde.

 

TAGS: COVID-19, Grace Padilla, Manila Mayor Isko Moreno, Sta. Ana Hospital, COVID-19, Grace Padilla, Manila Mayor Isko Moreno, Sta. Ana Hospital

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.