Agawan sa pamumuno sa PDP-Laban magiging madugo – Comelec chief
Nangako si Commission on Election (Comelec) Chairman Sheriff Abas na magiging pantay sila sa pagresolba sa gusot sa pamunuan ng PDP-Laban.
Sinabi ni Abas na gagawin lang nila kung ano ang tama at nararapat at wala silang pakialam sa mga politika ng mga sangkot na personalidad.
Ngayon, iginigiit ni Sen. Manny Pacquiao na siya pa rin ang president ng partido at ilegal ang pagkakahalal kay Energy Secretary Alfonso Cusi bilang kanyang kapalit.
Ngunit sinasabi naman ng kampo ni Cusi na nasa kanila na ang suporta ng mayorya sa kanilang mga miyembro higit pa na nasa kanilang panig si Pangulong Duterte, ang chairman ng PDP Laban.
Pagtitiyak pa ni Abas na ang kanilang magiging hatol ay base sa nakasaadsa batas gayundin sa constitution and by-laws ng partido.
Inihalintulad niya ang sigalot sa pagitan nina Pacquiao at Cusi sa isang ‘heavyweight boxing match’ at ito aniya ay magiging madugo.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.