PMVICs’ operators umalma sa hakbang na ipatigil uli ang kanilang negosyo
Ikinalungkot ng Vehicle Inspection Center Owners Association of the Philippines (VICOAP) ang hakbang sa Senado na ipatigil muli ang kanilang operasyon.
Pagdidiin ni Inigo Larrazabal, pangulo ng VICOAP, sumunod na sila sa mga ipinagawa at ipinaayos ng Department of Transportation (DOTr) at Land Transportation Office (LTO) para lang maipagpatuloy ang kanilang negosyo.
“We have lowered our prices to P600 per car, P500 per motorcycle, P300 for PUJs and LTO has agreed that our clients can choose to have emission and visual inspection only,” sabi ni Larrazabal.
Dagdag pa nito, hindi na rin sila maniningil ng re-inspection fee kapag muli nilang susuriin ang sasakyan na hindi nakalusot sa unang inspection.
Kasabay nito, itinanggi din ni Larrazabal na naniningil sila ng labis-labis at hindi sumusunod sa napagkasunduan sa LTO.
Wala rin aniyang katotohanan ang alegasyon na pinupuwersa nila ang kanilang mga kliyente na kumuha ng insurance policy sa kanila kapalit ng ‘passing mark’ sa kondisyon ng kanilang sasakyan.
Kahapon, sa kanyang privilege speech sa Senado, ibinunyag ni Sen Grace Poe na nagsimula muli ang operasyon ng mga PMVICs sa kabila ng utos ni Pangulong Duterte na suspindihin muna ito.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.