Storage area ng FDA sa Muntinlupa nasunog

By Chona Yu August 24, 2021 - 08:19 AM

Tinupok ng apoy ang storage area ng Food and Drug Administration  sa Filinvest Corporate City, Alabang, Muntinlupa City.

Ayon sa Bureau of Fire Protection, nagsimula ang sunog bandang 7:35 kagabi at umabot sa unang alarma.

Naideklarang fire under control bandang 7:55 bago tuluyang naging fire out ng 8:08 ng gabi.

Ayon sa BFP, nasunog ang one-storey Feed Storage Room ng FDA.

Wala namang naiulat na nasugatan o nasawi sa insidente.

Sa inisyal na imbestigasyon ng BFP, ang feed dryer machine ang naging sanhi ng sunog.

Tinatayang aabot sa P100,000 halaga ng ari-arian ang nasunog.

 

TAGS: BFP, FDA, feed dryer machine, Muntinlupa, sunog, BFP, FDA, feed dryer machine, Muntinlupa, sunog

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and
acknowledge that I have read the Privacy Policy.