Habagat, magdadala ng kalat-kalat na pag-ulan

DOST PAGASA satellite image

Nakakaapekto ang Southwest Monsoon o Habagat sa malaking bahagi ng bansa.

Ayon sa PAGASA weather specialist Ariel Rojas, umiiral ang Habagat sa Kanlurang bahagi ng Southern Luzon, Visayas at Mindanao.

Bunsod nito, makararanas ng kalat-kalat na pag-ulan ang Occidental Mindoro at Palawan.

Maari aniyang may mabuong thunderstorms sa nalalabing bahagi ng bansa.

Sa ngayon, sinabi ni Rojas na walang inaasahang sama ng panahon na papasok o mabubuo sa teritoryo ng bansa.

Read more...