Tumatakbong konsehal sa Camarines Sur, nasawi sa heat stroke

HEAT STROKENasawi dahil sa heat stroke ang tumatakbong konsehal sa bayan ng Magarao, Camarines Sur, halos dalawang linggo bago ang May 9 elections.

Ang 64-anyos na si Salvador Julia Jr., ay nanilbihan bilang municipal councilor sa loob ng 15 taon.

Ayon kay Nelia Pillora, isa sa mga tagasuporta ni Julia, masama na ang pakiramam nito nang dumalo sa pagtitipon ng senior citizens sa lugar.

Noon pang Lunes nagsimulang dumaing ng pananakid ng dibdib si Julia, pero sa halip na magpagamot ay itinuloy nito ang pagsasagawa ng house-to-house campaign.

Ayon kay Marcela Zaragosa, live-in partner ni Julia, sinabihan siya ng mga duktor na heat stroke ang ikinamatay ng kaniyang mister.

Papalit sa kandidatura ni Julia ang 23-anyos niyang anak na si Salvarod Julia III.

 

Read more...