Mag-amang Duterte, nanguna sa ‘independent’ presidential at VP survey
Kapwa nanguna sina Davao City Mayor Sara Duterte-Carpio at kaniyang ama na si Pangulong Rodrigo Duterte sa isinagawang “independent” presidential at vice presidential survey.
Ayon sa RP-Mission and Development Foundation Inc. (RPMDinc), nanguna sa kanilang isinagawang survey si Duterte-Carpio sa 10 iba pang potensyal na presidential candidates.
Nakakuha si Mayor Sara ng 32.25-percent preference rating.
Si Pangulong Duterte naman ang top choice bilang vice president na nakakuha ng 21.81-percent preference rating.
Ayon sa RPMDinc, isinagawa ang survey mula August 1 hanggang 19 kung saan mayroong 10,000 respondents na pawang mga rehistradong botante.
Pinasagot ang mga respondent sa tanong na “Sino ang iyong iboboto kung ang eleksyon ay magaganap na ngayon?”.
Si Duterte-Carpio ay nakakuha ng highest voter preference sa Mindanao na 60.17 percent, sumunod ang Visayas (25.11 percent) at Luzon (21.35 percent).
Si Pangulong Duterte naman ay nakakuha ng 37.47 percent sa Mindanao, 17.62 percent sa Visayas at 16.85 percent sa Mindanao.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.