Sa datos na inilabas ng kagawaran, 2,570,377 ang nag-enroll sa mga pampublikong paaralan, samantalang 118,997 naman sa mga pribadong eskuwelahan.
May 3,064 ang nagparehistro sa state at local colleges at universities, bukod pa sa 4,557,327 na sinamantala ang early registration program ng DepEd.
Sa Calabarzon may pinakamaraming enrollees sa bilang na 1,153,088, na sinundan ng Metro Manila (688,668) at Central Luzon (676,093).
Sa Cordillera Adminisrative Region may nagparehistro na 114,852, ang pinakamababang bilang sa hanay ng mga rehiyon sa bansa.
Una nang inanunsiyo ng DepEd na patuloy na ikakasa ang blended learning system dahil sa nanatili ang matinding banta ng COVID 19.
Magsisimula muli ang mga klase sa Setyembre 13.