Enrollees sa School Year 2021 – 2022 patuloy ang pagdami

By Jan Escosio August 23, 2021 - 12:18 PM

Inanunsiyo ng Department of Education (DepEd) na higit 7.24 milyon na ang nagpa-rehistro para sa School Year 2021 – 2022.

 

Sa datos na inilabas ng kagawaran, 2,570,377 ang nag-enroll sa mga pampublikong paaralan, samantalang 118,997 naman sa mga pribadong eskuwelahan.

 

May 3,064 ang nagparehistro sa state at local colleges at universities, bukod pa sa 4,557,327 na sinamantala ang early registration program ng DepEd.

 

Sa Calabarzon may pinakamaraming enrollees sa bilang na 1,153,088, na sinundan ng Metro Manila (688,668) at Central Luzon (676,093).

 

Sa Cordillera Adminisrative Region may nagparehistro na 114,852, ang pinakamababang bilang sa hanay ng mga rehiyon sa bansa.

Una nang inanunsiyo ng DepEd na patuloy na ikakasa ang blended learning system dahil sa nanatili ang matinding banta ng COVID 19.

 

Magsisimula muli ang mga klase sa Setyembre 13.

TAGS:

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.