Pambansang Kamao wala ng kailangan pang patunayan – AFP

Ipinagmamalaki ng Armed Forces of the Philippines (AFP) si Senator Manny Pacquiao sa kabila nang kabiguan nitong maagaw kay Cuban boxer Yordenis Ugas ang WBA super welterweight crown.

 

Sa inilabas na pahayag ng AFP, sinabi na ipinakita ng Pambansang Kamao ang tunay na kahulugan ng pagpupursige sa gitna ng mga hamon.

 

Patuloy din na nagbigay inspirasyon ang senador sa mga sundalo sa pagpapakita ng pagmamahal sa bayan hanggang sa huli.

 

“Our 8-division world champion, senator, and brother in the reserve force has nothing more to prove for he has already won the hearts and minds of every Filipino around the world,” ayon sa pahayag ng AFP.

 

Si Pacquiao ay reserve officer sa Philippine Army at hawak ang ranggo na lieutenant colonel.

 

Read more...