AFP Chief of Staff Faustino nag-positive sa COVID 19 anti-gen test

Hindi na itinuloy ang dapat na pagharap sa mga mamamahayag ni AFP Chief of Staff Lt. General Jose Faustino Jr., matapos lumabas na positibo ito sa COVID 19 base sa resulta ng kanyang antigen test sa Camp Aguinaldo.

 

Sinabi ni AFP spokesman, Col. Ramon Zagala, bago ang ‘virtual pressconference’ sa opisina ni Faustino ay sumailalim muna sa antigen test ang lahat ng makakasama niya sa kuwarto.

 

Agad naman aniya nag-self isolate si Faustino at sumailalim na rin ito sa swab test, na ang resulta ay inaasahan na lalabas ngayon araw.

 

Dagdag pa ni Zagala, ang lahat ng naging close contacts ng opisyal ay nag-isolate na rin at wala pang naoobserbahang sintomas ng COVID 19 kay Faustino.

 

Wala pang abiso kung maging ang press conference ni Faustino kasama si US IndoPaCom commander Adm. John Aquilino na nakatakda mamayang hapon ay kanselado na rin.

 

Nabatiod na noong Marso ay naturukan na ng CoronaVac ng Sinovac si Faustino.

Read more...