Walang ‘third party’ sa paghihiwalay nina Paolo Contis at LJ Reyes! – Lolit Solis

By Jan Escosio August 23, 2021 - 10:40 AM

Kinumpirma ng kilalang talent manager na si Lolit Solis na naghiwalay na sina Paolo Contis at LJ Reyes.

Sa kanyang Instagram post, itinanggi din ni Solis na dahil sa aktres na si Yen Santos ang paghihiwalay ng dalawa.

“Huwag na siyang isali baka ano pa ang lumabas noh! Mas shocking pa ang mangyayari. Walang 3rd party sa hiwalayan nina Paolo Contis at LJ Reyes,” diin ni Solis, ang manager ni Contis.

Ukol naman sa tunay na dahilan ng paghihiwalay ng dalawa sinabi ni Solis: “It was a matter of na outgrow na nila ang romance sa kanilang relasyon. Kesa naman humantong pa sa pag aaway, mas gusto na nila na maghiwalay ng maayos, at dasal na mag end as friends.”

Umugong ang paghihiwalay ng dalawa nang alisin na ni Contis ang mga pictures ni Reyes sa kanyang Instragram account.

Hindi pa rin nagbibigay ng pahayag ang dalawa ukol sa kanilang paghihiwalay.

Nagbunga ang ilang taon na pagsasama ng dalawa ng anak na babae, si Summer.

TAGS:

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.