LabanLeila2022 ilulunsad ngayon sa Iloilo

Matapos sa Cebu, sa Iloilo naman ilulunsad ngayon umaga ang ‘LabanLeila2022’ para sa kandidatura sa pagka-senador muli ni Senator Leila de Lima.

Pangungunahan ni Senate Minority Leader Frank Drilon ang pagbibigay ng suporta kay de Lima at susundan siya ng mga kinatawan mula sa ibat-ibang sektor ng lipunan.

Tulad sa nangyari sa Cebu, magbibigay mensahe rin ang mga taga-urban poor, kabataan, kababaihan, religious, business at agricultural sectors.

Una nang sinabi ni de Lima na ang pagsabak niya muli sa ‘senatorial race’ ay dahil sa lakas ng loob at pagpupursige sa kanya na patuloy na labanan ang korapsyon, kawalan ng hustisya at sa kanyang pagtataguyod sa mga karapatang-pantao.

Gayundin aniya ang pagtuloy niyang pagkakakulong base sa mga gawa-gawang kaso.

Ang serye ng pagbibigay suporta sa senadora ay susundan bukas sa Bicol at Metro Manila hanggang sa katapusan ng buwan at mapapanood sa social media, partikular sa Facebook.

 

Read more...