Sen. Lito Lapid nasa ospital dahil sa COVID 19

By Jan Escosio August 23, 2021 - 09:51 AM

SENATE PRIB PHOTO

Naka-confine ngayon sa Medical City Clark si Senator Lito Lapid dahil sa taglay nito ang 2019 coronavirus.

 

Sa impormasyon mula sa kanyang opisina, nakumpirma ang pagkakasakit ng senador matapos sumailalim sa swab test.

 

Sinabi ni Atty. Jericho Acedera, ang chief of staff ni Lapid, itinuturing na mild to moderate ang kaso ng senador.

 

Ayon pa kay Acedera sumailalim na rin sa test ang mga naging ‘close contacts’ ni Lapid at pinagbilinan na sumunod sa COVID 19 protocols.

Dagdag pa niya ang lahat ng personal at close-in employees ng senador ay negatibo na sa sakit at walang mga sintomas.

 

“We enjoin everyone to pray that his health and of all those infected continue to improve, and more importantly, for this pandemic to soon be over,”  sabi pa nito.

 

Si Lapid ang pang-pitong senador na tinamaan ng COVID 19 matapos kina

Senate Majority  Leader  Juan Miguel Zubiri,  Sonny Angara, Aqulino  Pimentel  III, Ramon Revilla Jr., Ronald “Bato” dela Rosa, at Richard Gordon.

 

TAGS:

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.