Nanghihingi ng dasal si Laguna Governor Ramil Hernandez matapos inanunsiyo na tinamaan siya ng COVID 19.
“Nawa ay maisama po ninyo ako sa inyong panalangin. At magsilbing paalala na rin na mag-ingat, laging sumunod sa mga health protocols, at magpabakuna,” ang bahagi ng Facebook post ni Hernandez.
Nagpahiwatig ito na maaring nakuha niya ang sakit sa kanyang patuloy na pakikisalamuha sa mga tao araw-araw.
“Kaya nga po siguro kahit lubos ang aking pag-iingat ay hindi na rin naiwasan na ako ay mag-positibo sa COVID-19,” sabi nito.
Ibinahagi ng gobernador na nakakaranas siya ng mild symptoms at siya ay naka-home quarantine.
Pagtitiyak naman na ang tuloy-tuloy pa rin ang operasyon ng Pamahalaang-Panglalawigan at siya ay patuloy din na magta-trabaho.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.