Robredo, lumagda sa waiver para ipabusisi ang kaniyang bank accounts

RobredoLumagda sa isang waiver si vice presidential candidate, Camarines Sur Rep. Leni Robredo na nagbibigay pahintulot sa Office of the Ombudsman para busisiin ang kaniyang bank accounts.

Sa kaniyang twitter account, ipinost ni Robredo ang kopya ng “affidavit of transparency” na batay sa petsang nakasaad ay nilagdaan niya kahapon, April 28.

Kahapon din iprinisita sa media ni Liberal Party bet Mar Roxas ang kaniyang nilagdaang bank secrecy waiver.

Sinabi ni Robredo na bilang isang kandidato sa darating na halalan ay naniniwala siyang wala siyang dapat na itago sa publiko.

Sa waiver, binibigyang karapatan ni Robredo ang Ombudsman, na kumuha ng mga dokumento na naglalaman ng detalye ng kaniyang mga ari-arian.

 

Read more...