Hong Kong government tatanggap na ng fully vaccinated OFWs

Kinakailangan lang na magpakita ng vaccination certificate ang OFWs ang nais makapag-trabaho sa Hong Kong simula sa susunod na Lunes, Agosto 30.

 

Ito ang sinabi ni Labor Sec. Silvestre Bello III dahil aniya tatanggap na ng OFWs ang Hong Kong bagamat kailangan ay ‘fully vaccinated’ na sila ng COVID 19 vaccine.

 

Aniya ang kailangan na vaccine certificate ay ang galing mula sa Bureau of Quarantine.

 

Ibinahagi ng kalihim na may naghihintay ng 3,000 OFWs ng kanilang pagta-trabaho sa Hong Kong.

 

Bago ito, inanunsiyo ng Hong Kong government na hindi nila papapasukin sa kanilang teritoryo ang OFWs kahit fully vaccinated na sila dahil walang unform vaccine certificate sa Pilipinas.

 

Ang DOLE at Philippine Consular Office inihahanda na ang uniform vaccination certificate na may detalye ng passport ng OFW alinsunod na rin kagustuhan ng Hong Kong government.

Read more...