Higit 16,000 COVID 19 cases nadagdag ngayon araw ng Linggo
Inanunsiyo ngayon hapon ng Department of Health (DOH) na 16,044 ang nadagdag sa bilang ng COVID 19 cases sa bansa.
Bunga nito, kabuuang 1,839,635 na ang naitatalang kaso sa bansa simula ng pandemya..
Kasabay nito, 13,952 ang gumaling sa sakit para sa kabuuang 1,681,925, samantalang may 125,900 aktibo pang kaso sa bansa.
Ayon sa mga aktibong kaso, 93.8 porsiyento ang nakakaranas ng mild symptoms, 3.4 porsiyento ang asymptomatic, 1.2 porsiyento ang severe at 0.6 porsiyento naman ang kritikal ang kondisyon.
May 215 naman ang nadagdag sa bilang na namatay na ngayon ay nasa 31,810 na.
Samantala, sa 65,583 na sumailalim sa testing noong nakaraang Biyernes, 25.5 porsiyento ang naging positibo ang resulta.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.