Pambansang Kamao Manny Pacquiao bigong maagaw kay Yordenis Ugas ang WBA welterweight title

Edad na ang naging kalaban ni Manny Pacquiao.

 

Ito ang naging obserbasyon hindi lang ng mga boxing analysts kundi maging ng fans nang talunin ang Pambansang Kamao ni Yordenis Ugas sa kanilang paghaharap sa T-Mobile Arena sa Las Vegas, Nevada.

 

Sa pagtatapos ng 12-round na laban, pumabor ang tatlong judge kay Ugas, 116-112, 116-112 at 115 – 113, para manitiling hawak niya ang WBA welterweight title.

 

Sa kanyang unang laban, makalipas ang dalawang taon, nadomina si Pacquiao ng kanyang kalaban.

 

Ang 35-anyos na Cuban boxer ang pumalit kay Errol Spence Jr., na umatras sa laban sanhi ng nadiskubreng eye injury nang sumailalim sa mandatory physical and medical examination.

 

Matapos ang laban, humingi pa ng paumanhin si Pacquaio at sinabi na bahagi ng buhay boksingero ang naging katapusan ng laban.

 

Inamin niya na nahirapan siyang mag-adjust sa ring at iba rin ang kondisyon ng kanyang mga binti.

 

“I’m sorry I lost tonight, but I did my best,” sabi ng 42-anyos na Pambansang Kamao.

 

Una na rin sinabi nito na pagkatapos ng laban ay hindi pa niya sigurado kung magpapatuloy pa siya o magreretiro na sa boxing makalipas ang 26 taon.

 

Read more...