Isa pang suspek sa pag-hack sa Comelec website, arestado na

By Erwin Aguilon April 29, 2016 - 01:01 PM

Comelec-defaced-site-620x1043Naaresto na rin ng National Bureau of Investigation (NBI) ang isa pang suspek na nang-hack sa website ng Commission on Elections (Comelec).

Ang suspect na si Jonel De Asis, 23 anyos at isang IT expert ay nadakip ng mga tauhan ng NBI Cybercrime Division kagabi sa Muntinlupa City.

Gaya ni Paul Biteng, ang unang suspek na nadakip ng NBI, hindi rin itinanggi ni De Asis na kabilang siya sa nang-hack sa website ng Comelec.

Aniya, nais lamang niyang ipakita kung gaano kahina ang website ng poll body. Isa ring fresh graduate si De Asis.

Ayon naman kay Atty. Laywer Ronaldo Aguto ng NBI Cybercrime Division, nahirapan silang mahagilap ang ikalawang hacker.

Sa isang closed door meeting, kinausap nina Comelec Chairman Andres Bautista at NBI Director Virgilio Mendez si De Asis.

Ani Bautista, umamin sa kanila si De Asis na siya ang mastermind sa pag-hack sa Comelec website and kung saan nakapag-download sila ng 340-gigabyte na data.

Nakumpiska mula kay De Asis ang kaniyang personal computer at mobile phone.

Maliban kina Biteng at De Asis, pinaghahanap pa ng NBI ang ikatlong suspek.

 

TAGS:

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.