Panalo ni Sen. Manny Pacquiao ipadadasal ni Pangulong Duterte

By Jan Escosio August 22, 2021 - 09:41 AM

 

Ipagdadasal nila ni Pangulong Duterte si Senator Manny Pacquiao para Manalo ito sa kanyang laban para sa welterweight title kontra kay Yordenis Ugas ngayon araw sa Las Vegas, Nevada.

Ito ang sinabi ni Sen. Christopher Go sa pagsasabing malapit na kaibigan nila ni Pangulong Duterte ang pambansang kamao.

“Bilang Pilipino, I wish him luck sa kanyang laban. Good luck, Senator Manny, at isang karangalan para sa ating bayan at bandila kung manalo ka. Magdarasal din kami ni Pangulong Rodrigo Duterte na manalo siya sa kanyang laban bukas … Sana maging matagumpay siya at sana ‘di siya masaktan sa kanyang laban. Sana makapagdala siya ng isang malaking karangalan muli para sa ating bayan,” sabi ng senador.

Sabi pa nito nakagawian na nil ani Pangulong Duterte na magkasamang panoorin ang bawat laban ni Pacquiao.

Ibinahagi ni Go na bago lumipad patungo ng US si Pacquiao ay kinausap pa niya ito maging si Sen. Koko Pimentel para malinawan ang mga isyung namamagitan sa kanila.

Aniya nilinaw niya sa dalawang kapwa senador na wala siyang intensyon na sumabak sa 2022 presidential race at dapat aniya ibigay ito sa mga interesado.

“Bago pa umalis si Senator Manny Pacquiao ay nagkausap kami. Napag-usapan namin ‘yan ni Senator Pimentel na kami ay mga senators at kahit may paksyon sa PDP-Laban ay magkukumpare kami at mananatili ang aming pagkakaibigan,” pagbabahagi pa ni Go.

TAGS:

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.