Aabot sa 16,694 na bagong kaso ng COVID-19 ang naitala sa Pilipinas.
Ito na ang ikalawang pinakamataas na bilang nang magsimula ang pandemya sa COVID-19.
Ayon sa talaan ng Department of Health, sa kabuuan, nasa 1,824, 051 ang kabuuang bilang ng COVID-19 sa Pilipinas.
Nasa 123,935 ang active cases sa bansa.
Sa naturang bilang, sinabi ng DOH na 93.5 percent ang mild, 3.7 percent ang asymptomatic, 1.2% ang severe, at 0.7% ang nasa kritikal na kalagayan.
Nasa 398 naman ang bilang ng mga nasawi.
Sa kabuuan, nasa 31,596 ang kabuuang bilang ng mga nasawi.
Matatandaan na kahapon lamang, August 20, nakapagtala ang Pilipinas ng 17,231 na kaso ng COVID-19.
Ito na ang pinakamataas na bilang ng mga tinamaan ng COVID -19 nang magsimula ang pandemya.