Ito ay kasunod na rin nang naganap na malalaking lindol na yumanig sa Japan at Ecuador, gayundin ang ilang din pagyanig sa ibang bansa nma ang nakahuli ay ang magnitude 7.0 sa Vanuatu kaninang madlaing araw.
Giit nito, hindi na dapat iniisip kung kailan magaganap ang malalaking kalamidad kundi ang dapat na ikinukunsidera ng lahat ay ang kahandaan sa posibleng mga maging kaganapan.
Sinabi pa ni Tolentino na kapag ganap na ang kahandaan ng mga tao, maiiwasan ang panic at magiging mababa ang danyos sa buhay at ari-arian.
Kaya’t nais ni Tolentino na magkaroon ng batas para sa pagsasagawa ng may sistemang earthquake drills.
Noong nakaraang taon, bilang chairman ng MMDA pinangunahan ni Tolentino ang Metrowide simultaneous earthquake drill, na umani ng dalawang bilyong papuri sa social media.
Nagbunga ito nang pagkakabuo ng Oplan Metro Yakal Earthquake contingency plan, na kung masusunod ay milyun-milyong buhay ang maliligtas.
Dito nakadetalye ang dapat gawin ng mga tauhan ng iba’t ibang ahensiya ng gobyerno na may emergency response tasks, gayundin ang mga mula sa pribadong sektor.