1.2 milyong doses ng COVID vaccines dumating sa bansa

By Chona Yu August 21, 2021 - 09:34 AM

Dumating na sa bansa ang 1.2 milyong doses ng bakuna kontra COVID-19.

Ayon sa pahayag ng National Task Force Against COVID-19, isang milyong doses ng Sinovac ang binili habang 260,800 doses ng Sinopharm ang idinonate ng China sa Pilipinas.

Dumating ang mga bakuna kaninang umaga, August 21 sa Ninoy Aquino International Airport.

Matatandaan na kagabi lamang, August 20, dumating sa bansa ang 739,200 doses ng Sinopharm na donasyon ng China sa Pilipinas.

 

TAGS: China, COVID-19, Sinopharm, Sinovac, China, COVID-19, Sinopharm, Sinovac

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.