Questionable China contractors nasa likod ng PH reclamation

By Chona Yu August 21, 2021 - 08:41 AM
(Dumaguete City government) Aabot sa mahigit 1,000 mangingisda ang maaapektuhan ang hanapbuhay kapag itinuloy ang reclamation project sa baybayin ng Dumaguete City. Pahayag ito ni Leodegario Rosales, co-convenor ng #NoTo174DumagueteCoalition. Ayon kay Rosales, sa isinusulong na proyekto, nalabag din ang luma at bagong Private Public Partnership Code sa Dumaguete City tungkol sa transparency sa mga proyekto. Ani Rosales, nalaman na lamang ng mga taga-Dumaguete na ang city council at ang mayor ay nagbigay na ng authority para mapirmahan iyong joint venture agreement na kalaunan ay ginawang memorandum of understanding sa pagitan ng Dumaguete City at  ng EM Cuerpo Inc. “Ung transparency because ung old and new PPP (private public partnership) code ng Dumaguete City may ordinance tyo doon  in  how to handle kung may ganoong tayong partnership. So, both the old, kapwa ung luma saka bagong PPP code nagsasabi na dapat may  mechanism for transparency from project inception, magsisimula pa lamang, meaning pagtanggap ng city ng proposal hanggang  sa implementation po. So un ang hindi nagawa kasi  nalaman na lang ng mga taga Dumaguete na ang city council namin ay nagbigay, yung mayor namin ay nagbigay ng authority para  mapirmahan iyong joint  venture agreement na kalaunan ay ginawang memorandum of understanding between Dumaguete City at  ng EM Cuerpo Inc. Ito ung una talagang kung nag ano yung mga taga Dumaguete,” ani Rosales. Sinabi rin ni Rosales na kapag itinuloy ang proyekto ay matatabunan ang coastline at masisira ang ibang lugar. Aniya geological hazard ang proyekto  kasi matatabunan ang coastline at nabalitaam din nilang sa mga kalapit na bayan ng Dumaguete kukuha ng panambak. Maaapektuhan din ang livelihood ng nasa 1,000 registered local fishermen at nasa 200 spear fishers. Maliban sa hanapbuhay ng mga mangingisda ay maaapektuhan din  food security sa lungsod dahil sa halip na sa local fishers kukuha ng makakain ay sa ibang bayan or probinsya pa bibili ng makakain. Sinabi ni Rosales na nakahanda silang magsampa ng kaso sakaling patuloy na igiit ang pagsusulong ng proyekto.

TAGS: #NoTo174DumagueteCoalition, dumaguete, Leodegario Rosales, reclamation, #NoTo174DumagueteCoalition, dumaguete, Leodegario Rosales, reclamation

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.