Senator Bongbong Marcos, inindorso ng INC
Si vice presidential candidate, Senator Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr., ang napili ng religious group na Iglesia ni Cristo (INC) para suportahan sa darating na May 9 elections.
Sinabi ni Marcos na noong Martes niya nalaman ang desisyon ng INC na siya ang suportahan sa eleksyon.
Ani Marcos, maging ang kaniyang ama na si dating Pangulong Ferdinand Marcos Sr., ay sinuportahan din noon ng INC.
Ang INC ay kilala sa bloc voting power nito at mayroong mahigit isang milyong botante.
Sa datos ng Social Weather Stations (SWS), ngayong 2016 elections, mayroong aabot sa 1.7 million na botante ang INC.
Nagpasalamat naman si Marcos sa pasya ng INC na suportahan ang kaniyang kandidatura.
Maliban kay Marcos, napabalita ring susuportahan ng INC ang kandidatura ni Rep. Martin Romualdez sa pagka-senador.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.