Dumating na sa Pilipinas ang mahigit 700,000 doses ng bakuna kontra COVID-19 na gawa ng China National Pharmaceutical Group o mas kilala bilang Sinopharm.
Nasa kabuuang 739,200 doses ng bakuna ang kabilang sa panibagong batch na dumating sa bansa.
Lumapag ang eroplanong nagdala ng mga bakuna sa Ninoy Aquino International Airport (NAIA) pasado 5:00 ng hapon.
Bahagi ito ng donasyon ng gobyerno ng China sa bansa.
Sa ngayon, mahigit 12.87 milyon na ang bilang ng mga fully vaccinated sa Pilipinas.
READ NEXT
Ika-115 death anniversary ni St. Ezekiel Moreno, isang Filipino-speaking na santo, ginunita
MOST READ
LATEST STORIES