Ika-115 death anniversary ni St. Ezekiel Moreno, isang Filipino-speaking na santo, ginunita
Pinangunaguna nina Senator Cynthia Villar at Las Piñas Representative Camille Villar ang paggunita sa ika-115 taon ng kamatayan ni San Ezekiel Moreno sa pamamagitan ng Banal na Misa.
Isinelebra ni Msgr. Bobby Olaguer ang Misa sa San Ezekiel Moreno Oratory sa loob ng Villar SIPAG Compound sa Las Piñas.
Nabatid na ang oratory ay ipinatayo ng mga Villar bilang pagkilala sa mga nagawa ni St. Ezekiel sa lungsod, kung saan siya nagsilbi bilang kura-paroko noong 1876 hanggang 1879, matapos magsilbi sa Mindoro at Palawan.
Naordinahan bilang pari ng Augustinian Recollect si St. Ezekiel dito sa Pilipinas noong 1871.
Ayon sa mag-inang Villar, si St. Ezekiel ang nagpatayo ng Molino Dam na hanggang ngayon ay pinapakinabangan ng mga residente ng lungsod, gayundin ng Bacoor City, Cavite.
“We should always feel proud and blessed that San Ezekiel Moreno was once a priest here and lived among our ancestors and even saved them from droughts and fire. Let us just pray that he will also protect us against Covid-19 pandemic,” ang banggit ni Sen. Villar sa kanyang mensahe sa okasyon.
Samantala, nagbilin naman si Msgr. Olaguer na dapat ay tularan si St. Ezekiel sa pagsislbi nito sa mga mahihirap at maysakit.
“There is still another saint speaking Pilipino or Tagalog in Heaven. While he is not a Filipino, but a Spaniard, one Ezekiel Moreno knew Tagalog. So the language in Heaven of the Holy is Tagalog, Pilipino,” sabi pa ni Msgr. Olaguer patukoy din sa dalawang Filipinong santo, San Lorenzon Ruiz at San Pedro Calungsod.
Nagpasalamat naman Ramon Moreno, pamangkin ni St. Ezekiel, sa mga Villar dahil patuloy na nagugunita sa Pilipinas ang santo.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.