Allacapan town hall sa Cagayan, isinailalim sa 10 araw na lockdown

By Angellic Jordan August 20, 2021 - 06:08 PM

Photo credit: Municipal Government of Allacapan/Facebook

Isinailalim sa 10 araw na lockdown ang municipal town hall ng Allacapan sa Cagayan.

Kasunod ito ng pagtama ng COVID-19 sa 27 empleyado ng munisipyo kabilang ang mga nasa Human Resources for Health (HRH).

Sa inilabas na Executive Order No. 26 series of 2021 ni Mayor Harry Florida, sinimulan ang lockdown sa munisipyo bandang 12:01, Huwebes ng madaling-araw (August 19), at tatagal hanggang August 28.

Nakasaad sa EO na ipatutupad ang work-from-home arrangement sa lahat ng mga manggagawa ng munisipyo maliban sa mga empleyado na sangkot sa health services at rescuers.

Inabisuhan ng alkalde ang mga empleyado na manatili muna sa kani-kanilang bahay.

Pinag-iingat din nito ang publiko na maging maingat at sumunod sa health protocols upang hindi mahawa ng COVID-19.

Base sa huling datos hanggang August 20, nasa 98 ang aktibong kaso ng nakakahawang sakit sa naturang bayan.

TAGS: AllacapanCagayan, Allacapanlockdown, HarryFlorida, InquirerNews, lockdown, RadyoInquirerNews, AllacapanCagayan, Allacapanlockdown, HarryFlorida, InquirerNews, lockdown, RadyoInquirerNews

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.