Negosasyon para sa Bayanihan 3 bill, tuloy pa rin

August 20, 2021 - 04:48 PM

Tuloy pa rin ang negosasyon ng mga mambabatas at economic managers ng administrasyong Duterte para sa isinusulong na Bayanihan 3 bill.

Ayon kay House Committee on Ways and Means chairman Joey Salceda, “mutually sold” na ang liderato ng Kamara at ang economic managers sa ilang porma ng panukalang Bayanihan 3.

Ani Salceda, ibinaba na rin ng Mababang Kapulungan sa P170.1 bilyon ang hiling nilang pondo para sa Bayanihan 3 bill, na ilalaan para sa pagtugon sa COVID-19 pandemic at ayuda para sa mga Filipino.

Sa panig naman aniya ng Department of Budget and Management (DBM), sinabi ni Salceda na nakahanap na ng hindi bababa sa 5 porsyentong hinihiling na pondo.

Dagdag ni Salceda, mayroon pang isang opsyon na natalakay para mapondohan ang ikatlong Bayanihan ngunit aabandonahin ang “unobligated items” sa 2021 budget.

May nakasaad aniya sa Bayanihan 3 bill na magkakaloob ng kapangyarihan sa Presidente para abandonahin ang unobligated items, at i-realign para sa pagresponde sa pandemya at economic relief partikular na ang ayuda.

Muling iginiit ni Salceda na mahalaga ang Bayanihan package upang mapabilis ang pagtugon sa COVID-19 pandemic, at makabangon ang ekonomiya ng bansa.

TAGS: 18thCongress, Bayanihan3bill, COVIDfund, COVIDresponse, InquirerNews, JoeySalceda, RadyoInquirerNews, 18thCongress, Bayanihan3bill, COVIDfund, COVIDresponse, InquirerNews, JoeySalceda, RadyoInquirerNews

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.