Unified curfew hours sa Metro Manila, epektibo pa rin; Outdoor exercises, papayagan sa MECQ
Magiging epektibo pa rin ang unified curfew hours na walong oras sa National Capital Region (NCR) sa kasagsagan ng Modified Enhanced Community Quarantine (MECQ).
Ayon kay Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) Chairman Benhur Abalos, epektibo “until further notice” ang curfew hours mula 8:00 ng gabi hanggang 4:00 ng madaling-araw.
Papayagan naman aniya ang outdoor exercises sa Metro Manila simula sa Sabado, August 21.
Maaring mag-outdoor exercise simula 6:00 hanggang 9:00 ng umaga lamang.
Iiral ang MECQ sa NCR at Laguna simula August 21 hanggang 31, 2021.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.