Sa datos noong August 19, nasa 74,370 na bakunadong pasahero ang nakapag-avail ng libreng pamasahe sa MRT-3, LRT-2, at PNR.
Sa nasabing bilang, 12,182 na pasahero ang LRT-2 ang nalibre, 56,862 sa MRT-3 habang 5,326 naman sa PNR.
Dahil dito, umabot na sa 1,050,410 ang kabuuang bilang ng mga APOR na nabigyan ng libreng pamasahe simula noong August 3.
Matatandaang ipinag-utos ni Transportation Secretary Art Tugade ang libreng sakay sa mga pasahero naturukan na ng una at ikalawang dose ng COVID-19 vaccine.
Para ma-avail ang libreng sakay, kailangan lang ipakita ng mga bakunadong pasahero ang kanilang vaccination cards.
Epektibo ang libreng sakay sa railway lines hanggang August 20, 2021 kasabay ng pagpapatupad ng Enhanced Community Quarantine (ECQ) sa National Capital Region (NCR).