Bilang ng APOR na nakapag-avail ng libreng sakay sa railway lines, pumalo na sa 1-M

By Angellic Jordan August 20, 2021 - 02:38 PM

Sumampa na sa isang milyon ang bilang ng Authorized Persons Outside Residence (APOR) na nakapag-avail ng libreng sakay sa railway lines.

Sa datos noong August 19, nasa 74,370 na bakunadong pasahero ang nakapag-avail ng libreng pamasahe sa MRT-3, LRT-2, at PNR.

Sa nasabing bilang, 12,182 na pasahero ang LRT-2 ang nalibre, 56,862 sa MRT-3 habang 5,326 naman sa PNR.

Dahil dito, umabot na sa 1,050,410 ang kabuuang bilang ng mga APOR na nabigyan ng libreng pamasahe simula noong August 3.

Matatandaang ipinag-utos ni Transportation Secretary Art Tugade ang libreng sakay sa mga pasahero naturukan na ng una at ikalawang dose ng COVID-19 vaccine.

Para ma-avail ang libreng sakay, kailangan lang ipakita ng mga bakunadong pasahero ang kanilang vaccination cards.

Epektibo ang libreng sakay sa railway lines hanggang August 20, 2021 kasabay ng pagpapatupad ng Enhanced Community Quarantine (ECQ) sa National Capital Region (NCR).

TAGS: DOTrPH, FreeRideforAPOR, InquirerNews, LibrengPamasahe, RadyoInquirerOnline, DOTrPH, FreeRideforAPOR, InquirerNews, LibrengPamasahe, RadyoInquirerOnline

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.