179 pulis, gumaling sa COVID-19; Isa nasawi

Nasa 123 ang bagong napaulat na pulis na tinamaan ng COVID-19 sa Pilipinas, ayon sa Philippine National Police (PNP).

Sa datos ng PNP Health Service hanggang sa araw ng Biyernes (August 20), 33,034 na ang confirmed COVID-19 cases sa hanay ng pambansang pulisya.

Sa nasabing bilang, 1,757 ang aktibo pang kaso.

179 namang pulis ang gumaling sa nakakahawang sakit.

Dahil dito, 31,178 na ang total recoveries sa hanay ng PNP sa naturang sakit.

Isa naman ang bagong napaulat na nasawi sa PNP dahil sa COVID-19.

Bunsod nito. 99 na ang COVID-19 related deaths sa pambansang pulisya.

Read more...