Pagsasapubliko ng resulta ng pag-iimbestiga ng DOJ sa drug-related deaths hiniling
Sinabi ni Senator Leila de Lima na makatuwiran lamang na isapubliko ng Department of Justice (DOJ) ang resulta ng kanilang pag-iimbestiga sa mga pinagdududahang anti-drugs operations ng Philippine National Police (PNP).
Ayon kay de Lima karapatan ng mga naulila ng mga namatay sa mga operasyon na malaman ang buong katotohanan.
Una nang inanunsiyo ni Justice Secretary Menardo Guevarra na natapos na nila ang pag-iimbestiga sa 52 operasyon ng PNP na nagresulta sa pagkamatay ng suspected drug personalities.
“Of the thousands of deaths that resulted in children being orphaned and, worse, in children themselves falling prey to abusive policemen hiding behind Duterte’s cloak of state-sponsored impunity, 52 is actually a poor representation. If anything, it’s a good representation how a number can, in reality, be a bloodbath dressed up as an achievement,” sabi ng senadora.
Ipinagtataka ni de Lima ang sinabi ni Guevarra na kailangan muna nilang konsultahin ang PNP kung maaring maisapubliko ang resulta ng imbestigasyon.
“Why would the DOJ require the PNP’s assent? Why consult the agency being investigated if the DOJ can release the report? Sino ang ginagawa nilang tanga?’ tanong ni de Lima.
Ngunit idinagdag pa nito na bagamat maliit ang bilang maituturing na rin itong tagumpay kung mapapanagot ang mga responsable.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.