Patuloy na gumaganda ang internet speed sa bansa.
Sa Ookla’s Speedtest Global Index noong Hulyo 2021, umaabot sa 71.17 megabits per seconds angaverage download speed sa fixed broadband. Mas mataas ito sa 66.55 Mbps average speed na naitala noong Hunyo.
Para sa mobile internet, ang average download speed ay nasa 33.69 Mbps mula sa 32.84 Mbps noong nakaraang buwan.
Ayon kay Information and Technology Secretary Gringo Honasan, dahil sa patuloy na pagganda ng internet speed sa bansa, umangat na ang ranggo ng Pilipinas. Sa kasalukuyan, nasa ika-63 na puwesto na ang Pilipinas mula sa 180 na bansa sa fixed broadband at nasa ika-72 na puwesto naman mula sa 139 na bansa kung mobile internet ang pag-uusapan.
Sa Asya, nasa ika-17 puwesto ang Pilipinas sa fixed broadband at nasa ika-23 sa mobile internet mula sa 50 bansa.
Nasa ika-limang puwesto naman ang Pilipinas mula sa sampung bansa sa ASEAN region sa fixed broadband at mobile internet.
Nabatid na sa kaparehong buwan, noong Hulyo 2020, nasa 25.07 Mbps lamang ang fixed broadban sa Pilipinas at nasa 16.95 Mbps ang mobile Internet.
“These data show us the impressive rate of growth of our country’s internet speeds in just a year,” pahayag ni Honasan.
“Your DICT will continue to coordinate with the National Telecommunications Commission (NTC) as well as with other government agencies and private stakeholders to ensure that internet speeds for fixed broadband and mobile internet will continue their upward trajectory in the coming months,” dagdag ng kalihim.
Ayon kay Honasan, ang pagbilis ng internet speed sa bansa ay resulta ng utos ni Pangulong Rodrigo Duterte na palakasin pa ang serbisyo sa komunikasyon at dagdagan ang pagpapatayo ng mga cell towers sa iba’t-ibang bahagi ng bansa.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.