(Inquirer file photo)
Usap-usapan ngayon sa social media ang biglaang pag-unfollow sa Instagram ni Paolo Contis sa kanyang partner na si LJ Reyes.
Tanong ng mga fans kung hiwalay na nga ba ang celebrity couple.
Bukod kasi sa pag-unfollow, binura na rin ni Paolo ang mga litrato ni LJ sa kanyang Instagram.
Gayunman, naka-follow pa rin si LJ sa Instagram ni Paolo.
Anim na taon nang nagsasama ang celebrity couple at may anak na dalawang taong gulang na si Summer.
Mayroong anak si LJ na si Aki sa aktor na si Paulo Avelino.
Sa ngayon, wala pang inilalabas na opisyal na pahayag ang celebrity couple.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.