Ilang lansangan sa Tondo Maynila, 14-oras na sarado sa daloy ng trapiko

TraffiC bureauSimula alas 6:00 ng umaga ngayong araw (Biyernes, April 29) sarado na sa daloy ng trapiko ang ilang sa lansangan sa Tondo, Maynila dahil sa aktibidad ng Iglesia ni Cristo (INC).

Sa abiso ng Manila Traffic Bureau, labing apat na oras (6AM to 8PM) na sarado sa daloy ng trapiko ang Juan Luna Street mula C.M. Recto Ave. patungong Tayuman St.; Nicolas Zamora St. mula Tayuman at Pritil patungong L. Chacon St.; Moriones St. mula R-10 patungong Dagupan St.; J. Nolasco St. mula Moriones St. patungong Lakandula St.; P. Herrera St. mula Ylaya St. patungong Juan Luna St.; L. Chacon St. mula Juan Luna St. patungong Nicolas Zamora St.; Morga St. mula J. Nolasco patungong Juan Luna St.; at Sta. Maria St. mula Moriones St. patungong Morga St.

Ayon sa Manila Traffic Bureau, may isasagawang medical at dental mission ang INC sa Tondo ngayong araw.

Ang mga apektadong motorista mula sa Caloocan City ay pinayuhan ng Manila Traffic Bureau na kumanan sa Capulong St. o ‘di kaya ay kumaliwa sa Tayuman St. patungo sa kanilang destinasyon.

Ang mga manggagaling naman sa Tayuman St. ay pinadederetso lamang sa Capulong St. patungo sa kanilang destinasyon.

Pinayuhan naman ang mga sasakyan na dadaan sa Juan Luna St. galing C.M. Recto na dumeretso sa Delpan St. patungo sa kanilang pupuntahan.

Ang mga dadaan naman sa Lakandula St. patungong Chacon St. ay pinapayuhang kumanan sa Ylaya St. patungo sa kanilang destinasyon habang ang mga sasakyan na dadaan sa Moriones St. ay pinadideretso sa R-10 patungo sa kanilang pupuntahan.

 

Read more...