Duterte, balak isara ang Congress kung ipapa-impeach siya ni Trillanes

By Kathleen Betina Aenlle April 29, 2016 - 04:52 AM

duterte-trillanes-620x343Uunahan na agad ni Davao City Mayor Rodrigo Duterte si Sen. Antonio Trillanes IV sa balak nitong pagpapa-impeach sa kaniya oras na siya ang mahalal na sunod na pangulo ng bansa.

Matatandaang inakusahan ni Trillanes si Duterte na mayroong tinatagong yaman na hindi niya idineklara sa kaniyang statement of assets, liabilities and net worth (SALN) na umano’y aabot sa mahigit P200 milyon.

Banta ni Trillanes, gagamitin niya itong ground para ipa-impeach si Duterte sakaling siya ang manalong pangulo dahil naniniwala siyang hindi dapat manungkulan ang nanlilinlang sa publiko.

Pero binalikan rin siya ng banta ni Duterte.

Ayon kay Duterte, kung ipapa-impeach siya ni Trillanes, isasara niya ang Congress para wala nang humamak na magpatalsik sa kaniya sa pwesto.

“‘Pag i-impeach ako, sabi ni Trillanes, eh ‘di isara ko ‘yang Congress. Eh ‘di wala nang mag-impeach sa akin,” ani Duterte.

Sakaling ito nga ang mangyari, sinabi ni Duterte na maituturing na siyang diktador dahil siya na ang pangulo, siya pa ang Congress.

Samantala, hinamon ni Trillanes ang alkalde na magkita sila sa Lunes sa branch ng BPI sa Pasig City para sabay nilang mapatunayan kung totoo o hindi ang lumabas na akusasyon laban kay Duterte.

At bilang paninindigan sa kaniyang isiniwalat na kontrobersyang mayroong tinatago, handa aniya siyang magbitiw bilang senador at iaatras niya pa ang kaniyang kandidatura sa pagka-bise presidente.

TAGS:

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.