P45-B pondo, inilaan ng gobyerno para sa pagbili ng COVID-19 booster shots
By Chona Yu August 19, 2021 - 02:10 PM
Aabot sa P45 bilyong pondo ang inilaan ng pamahalaan para ipangbili sa COVID-19 booster shots.
Ayon kay Presidential Spokesman Harry Roque, nakapaloob ito sa unprogrammed appropriations sa 2022 proposed national budget.
Gagamitin aniya ang pondo para ipangbili ng dagdag na bakuna na gagamiting booster shots ng pamahalaan.
Aabot sa P5.024 trilyon ang proposed national budget para sa susunod na taon.
Ito na ang pinakamalaking budget proposal na isusumite sa kongreso sa kasaysayan ng Pilipinas.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.