Base sa inilabas na datos ng Department of Education (DepEd) hanggang 2:00, Huwebes ng madaling-araw, August 19, nasa 5,356,643 ang total enrollment sa Kindergarten hanggang Grade 12 sa mga pampubliko at pribadong paaralan sa buong bansa.
Sa nasabing bilang, 4,557,327 ang naitala sa early registration hanggang June 2, 2021; 734,306 enrollees sa public; 63,102 sa private; habang 1,908 naman sa SUCs/LUCs.
Pinakamaraming naitalang papasok na estudyante sa Region 4-A na may 710,526 enrollees.
Sumunod dito ang Region 3 na may 450,202 enrollees, at Region 6 na may 436,301 enrollees.
Nagsimula ang enrollment noong August 16 at magpapatuloy hanggang sa pagbubukas ng klase sa September 13, 2021.